Saturday, August 8, 2009

Ebolusyon ng Wika

ANG EBOLUSYON NG WIKANG FILIPINO

Ang wika ang tagapagdala ng ideya tungo sa mabisang pakikipag-ugnayan. Kung kaya, ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay tulay upang ang isang bansa ay magkaisa at makamit ang minimithing kaunlaran.

Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

Ang Baybayin na tinatawag ring Alibata ay malaon nang ginagamit ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga Kastila. Ayon kay Jose Villa Panganiban (1994) ang alibata ay malaganap na ginagamit noong 1300 sa mga pulo ng Luzon at Kabisayaan samantalang Sanskrito ang ginagamit sa Mindanao
at Sulu. Ang mga epiko ng mga Bisaya, Tagalog, Iluko, Ipugaw at Bikol ay nasusulat sa alibata; samantalang ang mga epiko ng Magindanaw ay nasusulat sa Sanskrito. Lumilitaw na bagamat hindi pa matatawag na bansa ang ating mga lupain noong mga panahong iyon malinaw na may pundasyon ng panitikan at kulturang umiiral na ginagabayan ng mga wika ng bawat pangkat-etniko.

Sa artikulo ni Senador Blas Ople na lumabas sa pahayagang Kabayan noong Ika-17 ng Agosto, 2001 ipinahayag niya na ang ebolusyon ng pambansang wika ay isa sa mga matatagumpay na kabanata sa kasaysayan ng bansa mula nang ito ay ipanganak bilang kauna-unahang republikang konstitusyunal noong 1898.

Idinagdag naman ni Dr. Batnag sa kanyang artikulong may pamagat na “Wikang Filipino: Kasangkapan sa Pagpapahayag ng Ideolohiyang Filipino” na nalathala rin sa nabanggit na pahayagan na mahigit isang daang taon na ang nakalilipas, sariling wika --- ang Tagalog, at di ang wika ng mga dayuhan ---- ang ibinabandilang tagapagpahayag ng mga mithiin ng Himagsikang Pilipino at naging opisyal na wika ng bagong tatag na Konstitusyon ng Malolos.

Noong Ika-13 ng Setyembre, 1936 nang sa bisa ng Commonwealth Act No. 184 ay naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa.
Naging kinatawaan ng Surian sina:


Jaime C. de Veyra

Bisaya-Samar-Leyte Tagapangulo

Lope K. Santos

Tagalog Kagawad

Santiago Fonacier

Ilokano Kagawad

Casimiro Perfecto

Bicolano Kagawad

Felix B. Salas

Hiligaynon Kagawad


Cecilio Lopez

Tagalog Kagawad

Hadji Buto

Moro Kagawad

Isidro Abad

Bisaya-Cebu Kagawad

Zoilo Hilario

Kapampangan Kagawad

Jose Zulueta

Panggasinense Kagawad



Ang mga nabanggit na kasapi ng Surian ng Wikang Pambansa ang nagsagawa ng pag-aaral upang makapili ng wikang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Napagkasunduan nila na piliin ang Tagalog sapagkat:

1. ito ang gamit na wika sa Maynila na siyang sentro ng pamahalaan at kalakalan;

2. nagtataglay ang tagalog ng pinakamayamang talasalitaan at panitikan;

3. madali itong mapag-aralan at maintindihan

4. pinakamalaganap itong ginagamit sa kapuluan

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa. Idinagdag niya na Starting in 1940, the Tagalog- based national language was taught in all public and private schools. The language Pilipino was the Filipino National Language (in 1943) that was based on Tagalog beginning in 1959 when Department order No. 7 was passed by then Secretary Jose Romero of the Department of Education. The same name (Pilipino) was also used for the official language, the language for teaching and subject national language starting 1959. This stopped only when Filipino was approved as the national language. Filipino was the name used to call the national language in 1987 Constitution.

Ngunit ano ba ang pagkakaiba ng Pilipino sa Filipino? Ayon pa kay Constantino: It was apparent that Pilipino was also Tagalog in concept and structure and there was no Pilipino language before 1959. Also, there was no Filipino language before 1973. Pilipino is different from Filipino even though both became national languages because these are different concepts --- one was based on only one language and the other on many languages in the Philippines, including English and Spanish. Samakatuwid, teknikalidad sa Saligang Batas ang naghihiwalay sa Pilipino at Filipino bukod pa sa ang Pilipino ay wikang nakabatay lamang sa Tagalog bilang Pambansang Wika samantalang ang Filipino ay ang kabuuang bunga ng ebolusyon ng wikang Pilipino kasama ang pagbabago dulot ng impluwensiya ng wikang Kastila at Ingles.

Ayon naman sa aklat na Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (2000, Bob Ong ) hanggang ngayon ay mahirap pa ring resolbahin ang isyu sa Wikang Pambansa dahil iba-iba pa rin ang sinasabi sa mga dyaryo, magazine at libro ukol dito. Idinagdag pa sa aklat na si dating Governor Osmeña ay nagpahayag na hindi patas kung pipiliting mag-Tagalog ang mga hindi-Katagalugan. Pero ipinaliwanag din sa aklat na: sa dating ginawang survey sa Ateneo de Manila University, 98% na ng mga Pilipino ang kayang umintindi ng Tagalog, samantalang 51% lang ang nakakaintindi ng English. Patunay lamang na malaganap na ang paggamit ng Filipino sa kasalukuyan sa ating bansa.

Batay na rin sa Saligang Batas noong 1987, binago ng Surian ng Wikang Pambansa na kilala ngayon bilang Komisyon ng Wikang Pambansa ang ang pagbabaybay ng mga pantig sa Wikang Filipino halaw sa alfabetong English. Nagkaroon din ng mga pagtatalo ukol dito subalit sa kasalukuyan ang Modernong Alfabetong Filipino ay binubuo 28 letra kasama ang Ñ na hango sa Kastila at ang Ng na hago sa sinaunang Baybayin (Alibata).

Noong taong 2001 ay nagpalabas ang Komisyon ng Wikang Filipino ng pamantayan sa wastong paggamit ng mga hiram na titik at pagsasalin ng mga salita mula sa ibang dayuhang wika. Subalit taong 2007 nang muling ipahinto ng bagong pamuuan ng KWF, ang pagpapalaganap ng mga pamantayang ito sapagakat maging ang mga dalubwika sa iba’t-ibang pamantasan ay nagtatalo pa ukol dito.

Mga Probisyong Pangwika sa Saligang-Batas


Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896)

Ang wikang Tgalaog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

Saligang-Batas ng 1935

Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagoaoatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral sa katutubong wika. Hanggag hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.

Saligang-Batas ng 1973

Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.

Saligang-Batas ng 1987

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.


Ang Kasaysayan ng Komisyon sa

Wikang Filipino

Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang Kongreso ay gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa sa isang wikang katutubo.”

Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C. de Veyra ang naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang isang maliit na silid sa Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipat-lipat ito: napatira sa Silid Blg. 326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang, nalipat sa Philippine Columbian, at noong 1940, napunta sa gusali ng UP Alumni sa Padre Faura. Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine Normal School (naging College at ngayo’y University) bago napalipat sa “radio room” ng Mataas na Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong 1947 bago napunta sa Philippine School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila.

Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng Pagbabagong Tatag ng 1947, inilipat ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng Pagtuturo, at ito ay nanahanan sa gusali ng Edukasyon sa Arroceros. Tumagal ito roon ng 34 na taon. Noong 1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio del Gobernador, lumipat ang SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod Quezon.

Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.

Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa iba’t ibang tanggapang pampamahalaan at maging pribado man (RA 7104, Sek. 14-g).

Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas at nakabahay sa ikalawang palapag (second floor) ng Gusaling Watson, 1610 J.P. Laurel Street, San Miguel, Maynila.

http://www.symbianize.com/archive/index.php/t-68947.html

wika.pbworks.com/Kasaysayan

Sir. Villiam Ambong

Filipino I

Agosto 8,2009

BSN I

BLOCK I

2:oo-3:oo/TTHS

G401

Figueroa, Zashi

Ibasco, Ezra

Kosallavatt, Alvin Ann

Lavarias, Katherine

Mangantulao, Sharmane

=)

No comments:

Post a Comment